Saturday, June 6, 2009

Victoria Peak







April 2001 ng makapamasyal ako sa Hong Kong SAR, at ang Victoria Peak ang isang lugar na napuntahan ko dito. Sumakay kami ng kaibigan ko sa double deck bus patungo sa tuktok ng pasyalang ito, Sa tuktok ay matatanaw halos ang kabuuan ng mga isla ng Hong Kong ganun din ang New Territory. Sa isang bahagi kapag tumingin sa ibaba ay makikita naman ang tren na dumadaan sa ilalim ng Victoria Peak.






Hanga ako sa pagkakagawa ng istasyon ng mga tren sa Hong Kong, Pagkababa sa eroplano sumakay kami ng tren sa loob ng airport para makapunta sa immigration area. Nang makalabas na kami sa airport sumakay kami ng bus at bumaba sa isang mall na hindi ko nakuha ang pangalan. Kumain kami sa isang Mcdonalds at pagkatapos bumaba kami sa basement ng mall at doon may istasyon ng MTR, Mula doon sumakay kami ng MTR at hanggang makarating kami sa Jordan kung saan doon ako tutuloy. Ang mga riles ng MTR ay tumatagos sa bundok, ilalim ng dagat at nasa ilalim ng building tulad sa Jordan.

No comments:

Post a Comment