Saturday, August 29, 2009

Para sa pag-Ibig ng Isang Lalaki


Para po sa nagtatanong kung meron akong orasyon para sa pag-ibig ng lalaki. Higit pa po ito sa orasyon dahil kahit nasa malayo ang inyong pinipintakasi na lalaki ay mararamdaman nito kayo at mababalisa ito. Kailangan lang ay marunong kayo ng mental telepathy.

Gamit ng lalaki kung wala naman ilarawan ninyo siya sa inyong balintataw at ubos tindi na isipin o bigkasin sa isip lang habang binubuo ninyo sa inyong balintataw ang larawan ng inyong minamahal.

" Sa atas ng aking puso ikaw________ ay maging akin upang maging isa ang ating ating damdamin, paniniwala at paninindigan. Upang maging isa ang ating pusong iibig sa isa't isa, magmamahalan tayo habang nabubuhay."

Sa loob ng dalawang linggo sa parehong oras gawin ninyo ito at makakaasa kayo na magbabago ang pakikitungo ng minamahal ninyo sa inyo.

Bulong ni San Juan De Dios na Gumagamot sa Anumang Sakit


Ang dasal na ito ay nasubukan ko na at masasabi ko nakakagamot nga ngunit kailangan samahan nang matinding pananalig dahil ang pananalig ay isang sangkap din sa anuman hinihiling at ninanais natin.

Dasal
"Taong sumasa-Dios, ikaw ay gagamutin ko at itatanghal, at si Hesukristo na sumakop sa atin siya ngayon ang magpapagaling sa iyo at babasbas ng kanyang kasantusantusang kalooban. Amen. Hesus+Hesus+Hesus+Amen. "
(pagkasabi ng Hesus(3x) ay kukurusan ang panig ng katawan na may sakit, bukol atbp.)

Paunawa; sa lahat po na gagawin natin ay kailangan hindi tayo nagkakaroon ng alinlangan at kaba, hindi rin tayo agad dapat manghinawa kung minsan matagal bago nangyayari o umiipekto ang ginagawa natin. Kailangan po meron tayong pasensya at pag-aralan natin ang maging mapagpakumbaba at malihim sa anuman ginagawa natin.

Pagpapalakas ng Magnetismo

Ito ang paglalagom, rekonsentrasyon, paghahaka at pagtitig sa araw sa umagang pagsibol nito sa silangan. Upang maisagawa ito, iwasan mapasma ang mga mata at kamay, huwag magpupuyat, ugaliing matulog ng maaga, kumain ng maraming gulay at prutas, mag-ensayo ng Hatha, Asanas at pranayama Yoga.

Noong teenager ako ito ang una kong pinag-aralan pero may kahirapan lalo na sa una pero makikita mo naman ang epekto sa pisikal na katawan at isipan, Una lumalakas ang intwisyon o kutob at madali natin mai-focus ang isip sa isang bagay. Maganda rin praktis ito para sa mental telepathy.

Pagdarasal sa Pamamagitan ng Meditasyon


Halos lahat ng sekta at samahan na nagpapalakas ng kaisipan ay iisa ang ginagawang pamamaraan, ang magpakabanal.

DASAL-halos lahat ng bagay na may buhay ay nagdarasal sa kalikasan o s Dios. Ang sabi nga nang Dakilang Guro sa Lucas 18:1 "dapat magsipanalanging lagi at huwag mangalupaypay".
Ganun din sa 1Tes. 5:17 "magsipanalangin kayong walang patid".

Dalawa ang uri ng pagdarasal;
*Pasasalamat at Paghingi, sa dalawang ito ang nauuna ang gusto ng Dios.

Dalawa din ang uri ng PAGHIBIK sa Dios; Una, pagluwalhati at ikalawa ang pagpupuri sa Dios.

Ang lahat ng ito ay pagpapalakas lamang ng ating pag-ibig sa Dios kaya ang Chakra sa puso ang lumalakas dito.

MEDITASYON- Ito ang panalangin sa Dios na may kataimtiman. Ginagawa ito ng mga Hindu, Buddhist at naming Essenes sa paupong ayos. Kapag ito ay ginagawa ang isip lang ang pinakikilos dito. Hindi dapat igalaw ang dila, lalamunan at dapat alisin ang pandama, pandinig, pang-amoy at pakiramdam na kailangan matinding focus at praktis. ito ang tinatawag na panalangin sa Espiritu.

Kung hihingi sa Dios ay kailangan ilarawan mo ang gusto mong hilingin sa ating balintataw sa pamamagitan ng pagbibigay kulay kung ano man iyon. bago iparating sa mataas na sarili(AUMAKUA).

Thursday, August 27, 2009

INVISIBILITY

This spell is intended to make you invisible in the sense that people will not notice you. It will not work if you decide to deck someone. If you touch someoneor talk to them, the spell will wear off.
Close your eyes and imagine a sphere of white light around you.
Imagine that the light begins to get blurry.
It then takes on the shapes and colors of the environment around you.
Visualize yourself fading into the light, becoming part of it until you completely desappear into the camouflage of the light.

STOP SOMEONE BOTHERING YOU(Litter Box Spell)


If someone in your life is bothering you, and/or making your life miserable, try this simple spell.

Ang inyong kailangan:

Larawan ng taong nanggugulo sa inyo o kaya ay kanyang pangalan na nakasulat sa puting papel.

Cat litter box( kahon na dumihan ng pusa)

Cat litter(dumi ng pusa)


Siyempre kailangan din ang pusa he,he.


Take the picture of the person and place it on the bottom of a cat litter box, and pour the cat litter over it. As your cat does his or her business on the person's picture or name they will start to grow uncomfortable with bothering you.

Sunday, August 2, 2009

Liwanag sa Larawan







Hindi himala ang liwanag sa mga larawan kundi kontra repleksyon ng liwanag sa flash ng digicam. Karaniwan itong nangyayari kapag nakaharap ka sa liwanag kung kumukuha ng larawan lalo na ang kinukunang larawan ay nasa loob ng salamin. Kung mapapansin naman natin ang dalawang kaparehong larawan ay natural lang kasi walang ilaw sa loob ng simbahan ng kunan ko ulit.
Ang mga larawan ng Perpetual Help at Santo Entiero sa loob ng simbahan sa bayan ng aking mga magulang ang aking kinunan. Noong nag-aaral pa ako sa koliheyo minsan niyaya ako ng kaibigan kong babae na sumama sa pagnonovena sa Perpetual Help at nakagawian ko ito noon kahit hindi ako Kristiano okey lang naman sa akin imbes na tumambay lang kung saan saan.

Palaka sa loob ng Kumpisalan


Nakita ko ang palakang ito sa loob ng kumpisalan noong gabi ng Beyernes Santo, siguro naengganyo itong pumasok ng simbahan para manginain ng mga lamok. O naitaboy ito papasok dahil sa dami ng taong labas masok sa simbahan na sumama sa prusisyon.Natuwa akong kunan ng larawan dahil bihira ang ganitong pagkakataon na makita mo ang isang hayop sa lugar na pinagkukumpisalan nang tao.

Love Potion Oil


Ang nasa bote ay langis na pang-akit. Maaaring gamitin sa kapwa tao o panghalina sa negosyo. Gawa ito sa langis ng niyog at ilang sangkap na galing sa halaman at hayop.Hindi pa kumpleto ang sangkap dahil mahirap kunin ang natitirang bagay na dapat ihalo dito pero may bisa na ang langis na ito dahil sa dasal at ibang naunang sangkap na nakapaloob dito.

Bedouin Jewelry Box

rr




Ang jewelry box na nasa larawan ay nabili ko sa isang matandang Bedouin na nagtitinda ng mga kung anu-anong lumang gamit sa gilid ng kalsada.Medyo nabighani akong bilhin dahil kakaiba akala ko gawang Saudi Arabia hindi pala kundi gawang India dahil wala naman elepante sa Saudi Arabia. Ang jewelry box na ito ay gawa sa task ng elepante.

Panghampas sa Likod ng Penitensya




Ang panghampas sa larawan ay ginamit ng aking pamangkin na katoliko noong nakarang Mahal na Araw sa kanyang pagpenitensya. Ilang taon na rin syang namamanata para lumakas daw ang kanyang katawan.

Siguro mahigit 40% ng mga kalalakihan sa aming bayan ay nagpapanata hindi pa kasama ang mga dayuhan na nagpepenitensya, ang iba nagbubuhat ng Krus at gumagapang sa mahigit dalawang kilometrong kalsada. (makikita ang ibang larawan sa ibang post).


Iba't iba ang uri ng pamamanata ng bawat relihiyon o paniniwala, Ngunit ang Muharram ng mga Shiite Muslim na aking nasaksihan sa Iran ay halos parehas ng Penitensya ng Katoliko ang kaibahan nga lang ang Muharram ay paggunita sa malagim na kamatayan ng kanilang Imam Ali.