Tuesday, June 9, 2009

Panghalina

Naisip ko maglathala ng isang paraan ng paggawa ng panghalina sa kapwa para naman kahit papano ay ganahan ang bumabasa ng lathala ko, he, he!! May bisa ang pamamaraang ito kaya lang kailangan sundin lang ang pamamaraan,matinding paniniwala at pagiging malihim.
Love Charm

Kasangkapan:
1 malaking susi
1 6inches na red ribbon(silk)
1 perfume oil
1 violet cloth
1 cristal glass o bowl
Tubig
Magnet

Ang charm na ito ay para sa lalaki lang dahil pang-akit ito sa babae.

Lagyan ng tubig ang bowl at pagsapit ng ikapito ng umaga o gabi ay bigkasin ang mga katagang ito:
MAKTIEL, RAMPEL bigyan ng kariktan, magnetismo at kagaanan ang tubig at lalagyan RAMPEL, MAKTIEL!

Pagkabanggit nito ay saka lagyan ng perfume at ihulog ang magnet sa tubig at pati ang ribbon. Kunin ang susi at saka punasan ng telang violet, pagkatapos ay kunin ang ribbon at itali sa butas ng susi at ribbon.
Tapos ay ibalot for three days saka dalhin, ilagay ito sa key chain at dapat ay nakikita palagi.
Paunawa po! dapat iyong magandang susi naman ang inyong gamitin hindi susi sa corn beef o sardinas dahil kahit sino naman ay hindi maaakit sa inyo.

No comments:

Post a Comment