Tuesday, June 9, 2009

Salam!!!!!


Pansamantala ko na munang puputulin ang paglalathala ng mga larawan ng mga lugar na aking narating at ilalahad ko naman ang mga sanaysay ayon sa mga paniniwala at kultura ng mga taong nakasalamuha ko, ganun din ang iba' ibang relihiyon ayon sa pagtatanong, pagbababasa at paghango sa mga aklat nila.

Hindi ko po inienganyo na maniwala ang makakabasa ng mga isinusulat ko bagkus nais ko lang ibahagi ang mga bagay na natutuhan ko para magbigay daan sa pagmulat ng kaisipan ng iba na maging mapagsuri at hindi mapaghusga lalo na kapag hindi naman naiintindihan.
Magandang araw po sa lahat, sumaatin ang patnubay at pagpapala ng Poong Maykapal......

No comments:

Post a Comment