Ang nasa larawan na medalyon ay ang aking Combate, may balot ito para hindi nangangati ang balat ko kapag suot-suot ko ito sa aking leeg, Kakaiba ang yari nito kumpara sa mga itinitindang combate sa mga gilid ng simbahan lalo na sa Quiapo. Yari ang Combate ko sa pulang tanso manipis lang at malinaw at maganda ang pagkakahulma.
Paborito ko ang medalyong ito sa sandamukal kong mga medalyon. Pinapaniwalaan na ang Combate ay mahusay sa pakikihamok dahil ang istorya nito ay ayon sa paglalaban ng Apo at Nuno nito.
Ang napapansin ko lang kapag suot ko ang medalyon ito mabilis akong ma-react at hindi basta-basta nagugulat. Magaling daw ang Combate sa bala at tagaan dahil ito ang talagang pinatutungkulang gamit nito.
Kung sakaling ang medalyon ninyo ay hindi galing sa likas na kapaligiran at nabili o nahingi lang ninyo kailangan ninyo itong binyagan dasalan para magkaroon ng bisa at magamit ninyo balang araw sa kagipitan.
No comments:
Post a Comment