Tuesday, June 9, 2009

Iba't ibang uri ng Kapangyarihan

Anu-ano ang tinatawag na Mahiya?

Ang Mahiya ay maraming uri pero ito ay nababahagi sa apat:
a) Mahiya Divina-Ito ay lakas ng isip at lakas ng mga kulani na tinatawag na chakra.
b) Mahiya Blanca-Ito ay kasaysayan ng Dios na iba-iba ang kasaysayan ng mga anghel.
c) Mahiya Negra-Ito ay kasaysayan ng mga anghel na lumaban sa Dios at itinapon mula sa langit.
d) Mahiya Natural-Ito ay nahahati sa apat:
Bato o Mutya- Ito ay may malalakas na kapangyarihang taglay
Batobalaning puti-Nanggagaling ito sa bulkan. Napakaraming gamit nito at ang pinaka-espesyal ay hindi ka tatablan ng anumang patalim at bala.
Lakas Paniniwala-Ito ay sangkap ng kahoy na Sinukuan, Sinag-araw, dignum krusis, sinagtala, mandrake, batong kalog, butong kalog, butas sa kawayan na lampasan, baging na lumabas sa butas ng mata ng bungo, at mga samutsaring bulaklak ng tanglad, dahon, kampay,buhok ng tikbalang, daliri ni Dimas na pinaghalu-halo sa langis na gayuma raw.
Natural na Diabolikong preparasyon- tulad ng daliri ng sanggol na hindi binyagan, bungo ng tao, bulalo sa tuhod ng tao at anumang bagay na kaluluwa ng tao ang ginagamit ay nasa natural na diabolikong preparasyon.

Kayo saan ba nabibilang ang inyong pinanghahawakan?

No comments:

Post a Comment