Saturday, June 6, 2009











Ang Carrefour ay nasa loob ng City Center Sharjah at dito din kami namamasyal, window shopping tingin-tingin ng mga electronics, pagkain at alahas. Hindi kalakihan ang mall na ito pero masasabi ko na maganda. Ang paborito kung puntahan sa parte ng mall na ito ay ang fruit section kasi naman halos lahat ng prutas ay nandoon at hindi maaari na hindi ako bibili ng ubas, kaki, dragon fruit.

Meron din MegaMall sa Sharjah hindi nga lang kasing laki ng Megamall natin sa Pinas bagmat maliit lang ang mall na ito hindi naman ito tulad ng mall sa Pinas na karamihan sa mga pumupunta ay nagwiwindow shopping lang. Pagbungad mo sa lobby ng megamall ay makikita mo agad ang fossil ng dinosour at sa kanang bahagi nito ay ang supermarket at sa kaliwang bahagi naman ay ang mga tindahan ng alahas.
Ang isang dalawang gusali sa larawan ay ang unang mall sa Sharjah, akala ko noon Masjid ito hindi pala kundi mall din. Malapit ito sa terminal ng buses na nagbibiyahe sa ibat ibang bahagi ng Emirates. Maganda ang mga desinyo ng pader nito at makikita mo talaga ang traditional arabic na desinyo.
Ang Masjid sa itaas ay nasa gilid ng Sharjah boulevard gusto ko ang pagkakadesinyo nito parang katulad ng mga masjid na itinayo ng Ottoman na makikita sa mga libro at lumang larawan. Kung sa Pinas ay meron Kapilya o Ermita sa bawat barangay lalo na sa mga Nayon, sa Bansang Islamic naman halos bawat kanto ay meron masjid. Ang Pagkakaiba lamang dito sa UAE hindi obligado na isara ang mga tindahan at magsalah ang mga muslim tuwing oras ng pagdarasal gaya sa Saudi Arabia.

No comments:

Post a Comment