Saturday, June 6, 2009











Tuwing off ako sumasama akong mamingwit sa tabi ng dagat ng Ajman kasama ang kaibigan kong si Kap. Dalawang beses kamin nasita ng pulis dahil bawal palang mangisda sa gilid ng dagat. Ang kaibigan ko kasing ito ay napakahilig manguha ng halaan at ako naman ay namimingwit. Masaya kasi naman kahit hanggang tuhod ang tubig maraming isda at paglapat pa lamang ng bingwit sa tubig may kumakagat ng isda.
Ang kinalalabasan ng pamimingwit namin ay pagpunta sa palengke kasi naman itinatapon ng pulis ang huli namin na isda sa dagat. Nakakalibang na pampalipas oras ang pumunta sa tabing dagat ito ang hilig ko at masaya ako kapag nagtatampisaw.
Kung ikikumpara ang halaga ng isda dito sa Ajman ay halos katumbas din ng halaga ng presyo sa Pinas kasi naman halos lahat yata ng bilihin sa buong mundo isa lang ang pinagbabasehan.

No comments:

Post a Comment