Ang panghampas sa larawan ay ginamit ng aking pamangkin na katoliko noong nakarang Mahal na Araw sa kanyang pagpenitensya. Ilang taon na rin syang namamanata para lumakas daw ang kanyang katawan.
Siguro mahigit 40% ng mga kalalakihan sa aming bayan ay nagpapanata hindi pa kasama ang mga dayuhan na nagpepenitensya, ang iba nagbubuhat ng Krus at gumagapang sa mahigit dalawang kilometrong kalsada. (makikita ang ibang larawan sa ibang post).
Iba't iba ang uri ng pamamanata ng bawat relihiyon o paniniwala, Ngunit ang Muharram ng mga Shiite Muslim na aking nasaksihan sa Iran ay halos parehas ng Penitensya ng Katoliko ang kaibahan nga lang ang Muharram ay paggunita sa malagim na kamatayan ng kanilang Imam Ali.
No comments:
Post a Comment