Sunday, August 2, 2009

Liwanag sa Larawan







Hindi himala ang liwanag sa mga larawan kundi kontra repleksyon ng liwanag sa flash ng digicam. Karaniwan itong nangyayari kapag nakaharap ka sa liwanag kung kumukuha ng larawan lalo na ang kinukunang larawan ay nasa loob ng salamin. Kung mapapansin naman natin ang dalawang kaparehong larawan ay natural lang kasi walang ilaw sa loob ng simbahan ng kunan ko ulit.
Ang mga larawan ng Perpetual Help at Santo Entiero sa loob ng simbahan sa bayan ng aking mga magulang ang aking kinunan. Noong nag-aaral pa ako sa koliheyo minsan niyaya ako ng kaibigan kong babae na sumama sa pagnonovena sa Perpetual Help at nakagawian ko ito noon kahit hindi ako Kristiano okey lang naman sa akin imbes na tumambay lang kung saan saan.

No comments:

Post a Comment