Thursday, July 30, 2009

Lampasang Butas sa Punongkahoy


Lampasang butas sa katawan ng punong kahoy, Sinasabi na may bisa ang ganitong kahoy sa sabong, sisilipin mo daw sa butas na ito ang dalawang manok na maglalaban gamit ang isang bagay na mula sa isang yumao at makikita mo daw na ang matatalong manok ay walang ulo.


May nagsasabi daw na magaling ito sa pagbaril, kahit hindi mo tingnan ang babarilin ay iyong matatamaan kapag meron ka nito. Anu't ano man ang kagamitan nito kailangan sigurong tuklasin at looban ng matinding paniniwala upang magkaroon ng bisa dahil ang ganitong bagay ay nabibilang sa lakas paniniwala.

No comments:

Post a Comment