Monday, September 7, 2009

Dasal sa Pagpapanatili ng Pag-Ibig ng Isang BABAE


Ang mga pangungusap na nasa ibaba ay dasal para sa talisman sa pananatili ng pag-ibig ng isang babae pero kung wala kayong ganitong talisman maaari ninyo itong dasalin palagi na buong taimtim at siguradong magkakaroon din ito ng epekto para maging matapat sa inyo ang inyong minamahal.

"Oh Dios ko huwag mong patikman sa kanya ang pait ng pagkakamali. Ilayo mo po siya sa magdarayang pangungusap ng mga naghahangad ng kanyang kapariwaraan. Ipadama mo sa kanya ang tamis ng katas ng mga namumukaddad na bulaklak sa parang upang magunita niyang laging may isang pusong naghihintay sa kanya. Amen."

Maganda po itong dasal na ito kung nasa malayo tayo lalo na dun sa tulad kong OFW, he, he.

Mas ninanais kong mga dasal na nasa wikang Filipino kaysa Latin o espanyol ang ibahagi dahil mas nauunawaan natin kung ano ang ipinapahayag ng mga pangungusap kumpara sa latin na minsan namamali pa tayo ng bigkas. Universal naman po ang ating Dios at Panginoon kaya anuman ang lengguwahe naiintindihan niya at ng mga alagad niya.

No comments:

Post a Comment