Sunday, May 31, 2009

Al Qara Mountain


Ang Jabal (mountain) ay kilala ng mga pilipino na bundok daw ni Hudas pero hindi ko alam kung paano at saan napulot ng mga Pilipino ang tawag sa bundok na ito. Ang bundok na ito ay walang pinag-iba sa mga bundok na makikita sa Saudi Arabia ang kaibahan nga lang nito marami itong kuweba na puwedeng pasukin.
Madalas kami dito noon ng kaibigan kong si Bentong, nagkukuhanan ng mga larawan at pinapasok ang mga kalob-looban ng bundok. Sa ibabaw nito ay mayroon tower ng radyo at nababantayan ng pulis.
Ang palibot ng bundok na ito ay taniman ng tamar o dates sa english at malapit ito sa Al Qara Village.

Saturday, May 2, 2009


Ito ang unang una kong pagkuha ng larawan dito sa down town al khobar nasa itaas ako ng overpass nang kunan ko ng larawan ang papalubog na araw at sa ibaba ang mga abalang sasakyan na paroon parito. Maganda ang Al Khobar kumpara sa ibang bahagi ng Eastern Province ng Saudi Arabia. Marami din akong masasayang araw na nagpapangiti sa akin kapag naaalala ko ngayon.

Friday, May 1, 2009

Arabian horses


Ito ang arabian horses hindi sila gaanong kalakihan kumpara sa mga kabayo sa europa ngunit mabibilis silang tumakbo at matitipono ang katawan. Pangarap ko rin ang magkaroon ng kabayo balang araw sa Pinas.

Kamelyo sa loob ng kulungan



Kung hindi nakakulong ang kamelyong ito hindi ko ito malalapitan kasi may kailapan din ang ganitong hayop at nangangagat. Kaibigan ko ang Sudanese na nag-aalaga ng mga kamelyo kaya pinayagan akong lumapit kasama ang kaibigan ko. Iba ang amoy ng kamelyo pero nakakatuwa kasi sa Pinas walang ganito. Gusto ko sanang sumakay kaya lang walang saddle.

The Vanished Marker of Al Khobar KSA




Wala na ang marker na ito kung saan matatagpuan sa gitna ng abalang kalsada sa down town Al Khobar noon Malapit ito sa overpass. Buti na lang kahit papano ay nakunan ko ng larawan at magsisilbing ala-ala. Dahil sa pagdami ng sasakyan kinailangan alisin ito para magdagdag ng linya, Ang Al Khobar ay madalas kong puntahan noon lalong lalo na ang dagat dito. Mahilig ako sa dagat dahil lumaki ako na malapit dito natutuwa ako na panoorin ang mga langay-langayan at alon.
Ang dagat at mahabang tulay ay ang nag-uugnay sa Al Khobar K.S.A. at Bahrain, Tatlong beses na akong nakadaan dito tuwing noong sumakay ako sa Cathay Pacific airlines at sa Gulf Air pauwi ng Pinas. Halos tatlompung minuto lang kung tatawirin ito mula sa Al Khobart hanggang Bahrain kaya lang natatagalan minsan sa immigration.
Ang Bahrain ay dating isla ng Iran pero nagsarili ito sa tulong na rin ng mga katabing Bansang Arabo. Halos lahat ng mamayan ng Bahrain ay binubuo ng Shiite Muslim tulad ng Iran..

Pulubi


Papunta ang sinasakyan kong bus sa Isfahan ng tumigil kami sa himpilan ng pulis ang mga babae sa larawan ay mga pulubi na ang kukulit sa panghihingi. Binigyan ko ng hamburger ang isa nang mag-lapitan na ang lahat. Maraming namamalimos dito sa Iran at kadalasan may dala dala silang sanggol o kaya ay naka-wheelchair na matanda.

Ganun din sa tehran nagkalat ang pulubi, nasa gitna pa ng kalsada at kapag nahinto ang sasakyan sa trapik agad itong lumalapit sa bintana ng kotse. Galit sa mga pulubi ang kaibigan ko " tamad daw kaya naghihirap" Siguro nga pero ang tanong ko naman, may mapapasukan kayang mga trabaho ang mga tulad nila kung maghahanap? Kahit ang mayayamang bansa tulad ng Saudi Arabia UAE ay may mga pulubi. Dahil bagamat ang tao ay nilikhang pantay-pantay hindi naman tayo nilikha na magkakapareho.

Makapal na fog Sa Lungsod ng Tehran


Kinukunan ko ng larawan ang tuktok ng Damavand mountain kaya lang ang resulta wala iyong bundok kasi naman natakpan ng ulap. Buwan ng June ng kinunan ko ang lugar na ito pero ang tuktok ng Damavand mountain ay may natitira pang miyebe sayang at hindi nakita.

Ilang metro lang ang layo ko mula sa unit na aking tinutuluyan papunta ako sa tindahan para bumili ng juice at sandwich.